^

PM Sports

MILO executive ginawaran ng parangal sa Women in Sports Award

Pang-masa
MILO executive ginawaran ng parangal sa Women in Sports Award
Si Nestlé Philippines, Inc. Senior Vice President at Business E­xecutive Officer Veronica Cruz (kanan) kasama si Philippine Sports Commissioner at bowling legend Olivia “Bong” Coo (kaliwa) sa Wo­men in Sports Awards.

MANILA, Philippines — Lalo pang magpupursige si Veronica Cruz ng MILO Philippines na mapayabong ang grassroots sports sa bansa.

Ito ay matapos gawaran ang Senior Vice President and Business Executive Officer ng Nestlé Philippines, Inc. ng isang special citation at recognition sa idinaos na Women in Sports Awards sa Rizal Memorial Stadium.

“It is with deepest pride and honor that our efforts towards grassroots sports are being recognized by the Philippine Sports Commission and the Philippine Commission on Women,” wika ni Cruz.

“This further reinforces our commitment to provi­ding opportunities and nurturing the champion journeys of every Filipino through the sports programs MILO offers,” dagdag pa nito.

Sa pamamagitan ng dynamic sports programs na pinamunuan ng MILO sa ilalim ng MILO Active Pilipinas campaign ay binanderahan ni Cruz at ng kanyang mga kasama sa MILO ang isang hakbang para palakasin ang mga young individuals at communities na maging matagumpay sa larangan ng sports.

Ang MILO Active Pilipinas campaign ay nag-aalok ng malawak na on-ground at online sports initiatives na idinisenyo para sa mga pamilyang Pilipino na magkaroon ng active lifestyle.

Lumahok na ang mga kabataang Pinoy sa kanilang mga flagship programs kagaya ng National MILO Marathon, MILO Sports Clinics, Barangay MILO Liga at MILO Champ Camp.

MILO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with