^

PM Sports

Jaja hakot ng awards sa Japan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humakot si JT Marvelous middle blocker Jaja Santiago ng apat na individual awards sa katatapos na season ng Japan V.League sa Tokyo, Japan.

Si Santiago ang may pinakamaraming individual awards sa season na ito kabilang na ang Best Attacker at Best Blocker awards.

Ginawaran din si Santiago ng Fighting Spirit Award dahil sa dedikasyon nito at pagpupursige na matulungan ang JT Marvelous na makakuha ng panalo sa bawat laro ang kanilang tropa.

Kabilang din si Santiago sa anim na ginawaran ng Best Middle Blocker awards kasama ang teammates nitong sina Kotona Hayashi at Annie Drews.

Hindi naman naging maganda ang pagtatapos ng season para kay Santiago at sa JT Marvelous matapos matalo ang kanilang tropa sa finals.

Umani ang JT Marvelous ng 27-25, 32-30, 16-25, 25-17 kabiguan sa kamay ng NEC Red Rockets sa championship round ng torneo. Gayunpaman, kaliwa’t kanan ang papuri kay Santiago.

Una nang nagpaabot ng congratulatory message ang asawa nitong si Nxled Chameleons/Akari Chargers director of volleyball operations Taka Minowa.

“I was crying just watching Jaja play in the finals, but since both of my families were there, I remained calm after the game,” ani Minowa. .

May mensahe rin ang local mother team na Chery Tiggo Crossovers kay Santiago.

“Congratulations to our dear Jaja on yet another great season in Japan with JT Marvelous! The CHERY fam is always proud of you,” ayon sa post ng Crossovers.

JAJA SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with