Thompson nag-init sa panalo ng Warriors
WASHINGTON — Nagsalpak si Klay Thompson ng 25 points mula sa bench tampok ang anim na three-pointers para tulungan ang Golden State Warriors sa 123-112 pagpapatumba sa Wizards.
Hindi nakaiskor si Stephen Curry sa first half sa unang pagkakataon sa regular season sapul noong Nobyembre 23, 2012 laban sa Denver.
Ang kanyang triple sa huling 53 segundo sa third period ang naglagay kay Curry sa scoreboard bago tumapos na may 18 points para saWarriors (30-27).
May 21 markers si Jonathan Kuminga para sa pag-akyat nila sa ninth place sa Western Conference kasunod ang Los Angeles Lakers (31-28).
Naglista si Tyus Jones ng career-high 17 assists bukod sa 14 points para sa ika-12 dikit na kamalasan ng Washington (9-49) na nakahugot kay Kyle Kuzma ng 27 points.
Sa Milwaukee, bumanat si Giannis Antetokounmpo ng 24 points sa 123-85 pagdomina ng Bucks (38-21) sa Charlotte Hornets (15-43).
Sa Oklahoma City, tumipa si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points para gabayan ang Thunder (41-17) sa 112-95 pagpapabagsak sa Houston Rockets (25-33).
- Latest