^

PM Sports

Yap, 2 pa mapapalaban na!

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makikilatis sina Brandon Ganuelas-Rosser, Rey Nambatac at James Yap kasama ang kanilang mga bagong koponan sa pagbubukas ng 2024 PBA Philippine Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Kaka-trade lang mula sa NLEX, paparada na ngayon si Ganuelas-Ros­ser para sa Talk ‘N Text na sasagupain ang Rain or Shine sa main game sa alas-7:30 ng gabi.

Bibida naman sina Nambatac at Yap, da­ting taga-Rain or Shine, para sa Blackwater na makakatapat ang Meralco sa unang aksyon sa alas-4:30 ng hapon.

Nalipat mula sa Road Warriors pa-Tropang Giga si Rosser sa three-team trade kasama ang Bossing na kinatampukan ng sandamakmak na pla­yers at future picks.

Napakawalan ng TNT sina Justin Chua, Jaydee Tungcab at Season 51 1st round pick, na nasa Blackwater na, upang makuha lang si Rosser. Nakuhang kapalit naman ng NLEX sina Ato Ular, Yousef Taha at 1st round pick sa Season 51 din.

Sa kabilang banda, napunta sa Bossing si Yap sa pamamagitan ng free agency matapos mapaso ang kontrata sa Rain or Shine.

Nasikwat din ng Black­water ang veteran guard na si Rey Nambatac mula sa Rain or Shine kapalit ng first-round pick nila sa Season 49 PBA Rookie Draft.

vuukle comment

JAMES YAP

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with