^

PM Sports

Magtotobetsky sasabak sa Com’s Cup

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumabak sa mas mabigat na division ang Magtotobetsky kaya tiyak na dadaan ito sa butas ng karayom bago sungkitin ang korona sa 2024 Philracom Commissioner’s Cup Division I sa Linggo sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Markado ng Magtotobetsky ang dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Horse of the Year awardee na Boss Emong.

Maliban sa Magtotobetsky at Boss Emong, ang iba pang nagsaad ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race ay ang Don Julio, Istulen Ola at War Cannon.

Nakalaan ang premyong P1.8 milyon na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Phil­racom). 

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, habang mapupunta ang P450,000 sa se­cond placer at ang P225,000 at P90,000 sa third at fourth finishers, ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi rin ng P90,000 ang breeder ng nanalong kabayo at P54,000 sa segunda at P36,000 sa tersera.

Ang Magtotobetsky ang nagwagi sa nakaraang taon sa Commissioner’s Cup Division III kaya hindi na nito madedepensahan ang titulo dahil umakyat na ito sa mas malakas na laban.

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with