Gilas target makapasok sa Olympics
MANILA, Philippines — Handa ang Gilas Pilipinas na gawin ang lahat upang makasikwat ng tiket sa mga susunod na edisyon ng Olympic Games.
Mismong si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na ang nagdeklara na nais nitong dalhin ang tropa sa Olympic Games partikular na sa 2028 Los Angeles Olympics.
“The ultimate goal for the SBP is to make it to the LA Olympics. I think that’s the ultimate goal. That’s what they are looking for,” ani Cone sa Power and Play program.
Bukod pa rito, hangad din ni Cone na makapagkwalipika ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na gaganapin sa Qatar sa 2027.
Kung magiging best Asian team ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup, awtomatiko itong makakahirit ng tiket sa Los Angeles Olympics.
“Ultimately, we want to be playing in the Qatar World Cup. We have to qualify first but we want to be playing in the Qatar World Cup and we want to finish first in Asia, and get a berth in the LA Olympics. That’s been clear to me. That’s the goal of the SBP,” dagdag ni Cone.
Unang sasalang ang Gilas Pilipinas sa huling qualifying event para makapasok sa Paris Olympics — ang Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Riga, Latvia sa Hulyo.
Aminado si Cone na magiging mahirap ang daang tatahakin ng Gilas sa naturang event.
Mahirap subalit hindi aatras ang Gilas Pilipinas.
“It’s really difficult but not impossible,” dagdag ni Cone.
Iginiit ni Cone na sasabak ang Gilas Pilipinas sa Olympic qualifiers nang ganun-ganun na lang.
Makikipagpatayan ito para makakuha ng magandang resulta.
- Latest