^

PM Sports

National shooters sasalang sa mga OQT

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gagawin ng Philippine National Shooting Association (PNSA) ang lahat para makakuha ng tiket sa 2024 Paris Olympic Games.

Ito ang tiniyak ni PNSA secretary-general Iryne Garcia kahapon sa Philippine Sportswriters Association Forum na idinaos sa Rizal Memorial Sports Complex.

“We’ve been trying to join all the qualifying events,” wika ni Garcia ka­sama sina shooters Am­paro Acuna ng rifle at Franchette Quiroz ng pistol sa forum na inihahandog ng San Miguel Cor­poration, Philippine Sports Commission, Phi­lip­pine Olympic Committee, Milo, SMART/PLDT at ArenaPlus, ang leading sports entertainment gateway sa bansa.

Solidong suporta rin ang ibubuhos ni PNSF president at Rep. Mike Dy sa mga national shooters na naghahangad makalaro sa Paris Olympics.

Kabilang dito si 2020 Tokyo Olympics veteran Jayson Valdez at sina Enri­que Enriquez ng skeet, Ha­gen Topacio ng trap at Bryan Rosario ng skeet.

Si Rosario ay kumampanya sa 2012 London Olympics.

Sasalang sina Acuna at Quiroz sa training sa Ger­many sa susunod na buwan bago magtungo sa Rio de Janeiro, Brazil para sa ISSF World Olympic Qualification Tournament para sa rifle at pistol sa Abril 11-19.

Nakatakda ang qualifiers para sa shotgun sa Doha, Qatar sa Abril 19-29 na sasalihan ng iba pang Pinoy hopefuls.

PHILIPPINE NATIONAL SHOOTING ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with