^

PM Sports

Sabonis tumipa ng single-season franchise record

Pang-masa
Sabonis tumipa ng single-season franchise record
Kinalabaw ni Domantas Sabonis ng Kings si Aaron Nesmith ng Pacers.
STAR/ File

INDIANAPOLIS - Hu­makot si Domantas Sa­bonis ng 26 points at 12 rebounds para sirain ang single-season franchise record ni Oscar Robertson sa kanyang ika-30 sunod na double-double sa 133-122 panalo ng Sacramento Kings sa Indiana Pacers.

Inilista ni Robertson ang 29-game double-double streak mula noong Dis­yembre 6, 1961 hanggang Enero 30, 1962.

Nagdagdag si guard De’Aaron Fox ng 25 points at 6 steals para sa Kings (28-19), habang may 23 points, 6 assists at 5 rebounds si Malik Monk.

Pinamunuan ni Bennedict Mathurin ang Pa­cers (27-23) sa kanyang 31 points at kumolekta si Pascal Siakam ng 22 points at 6 rebounds.

Nagposte ang Sacramento ng 18-point lead sa third quarter na naputol ng Indiana sa 88-99 papasok sa fourth quarter.

Ngunit hindi na sila mu­ling nakalapit.

Sa Detroit, umiskor si Russell Westbrook ng 23 points para maging ika-25 player sa NBA history na nagposte ng 25,000 points sa 136-125 panalo ng Los Angeles Clippers (32-15) sa Pistons (6-42).

Sa Atlanta, humataw si Trae Young ng 32 points at 15 assists sa 129-120 pagdagit ng Hawks (21-27) sa Phoenix Suns (28-24).

Sa Houston, nagtala si rookie Cam Whitmore ngseason-high 25 at kumo­lekta si Alperen Sengun ng 24 points, 13 rebounds at 8 assists sa 135-106 paggupo ng Rockets (23-25) sa To­ronto Raptors (17-31).

Sa Washington, kumana si Jimmy Butler ng 24 points, habang humakot si Bam Ade­bayo ng 20 points at 14 rebounds sa 110-102 pagsunog ng Mia­mi Heat (26-23) sa Wi­zards (9-39).

REBOUNDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with