^

PM Sports

Beermen swak sa finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Beermen swak sa finals
Bennie Boatwright (25) led the Beermen to the PBA Commissioner's Cup Finals.
PBA Images

MANILA, Philippines — Tinagay ng San Miguel Beer ang unang tiket sa finals matapos walisin ang reigning champion Barangay Ginebra, 94-91 sa PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinal series kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumamada si import Bennie Boatwright Jr. ng 26 puntos, 13 rebounds at 2 tapal upang gabayan ang Beermen sa best-of-seven finals kontra sa mananalo sa isa pang serye sa pagitan ng Magnolia at Phoenix Super LPG.

Nagdagdag ng 17 puntos si Jericho Cruz habang may 14 at 11 puntos sina Marcio Lassiter at CJ Pe­rez, ayon sa pagkakasunod.

Double-double na 11 puntos at 10 rebounds sahog pa ang 3 tapal naman ang ambag ni 7-time PBA MVP June Mar Fajardo para sa mga bataan ni coach Jorge Gallent sa kanyang unang finals appearance.

Nasayang ang 25 puntos ni Tony Bishop pati na ang kumpletong 17 points, 9 rebounds, 5 assists, 1 steal at 1 tapal ni ace guard Scottie Thompson.

Sa unang laro, dinagit ng Fuel Masters ang Hotshots, 103-85, sa Game 3 upang makahirit ng isa pang duwelo sa kanilang best-of-five series.

Binura ng Fuel Masters ang maagang 21-point deficit sa likod ng matinding bulusok sa second half upang baliktarin ang Hotshots tungo sa 18-point victory na nagpanatili sa kanila sa kontensyon.

Anim na players ang kumana ng double di­gits sa balanseng atake ng Phoenix sa pangunguna ng 19 puntos ni Johnathan Williams sahog pa ang 15 rebounds at 2 tapal.

Nagpakawala naman ng 5 tres si RJ Jazul para sa 17 puntos.

MALL OF ASIA ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with