Olsen tinapik ng Perpetual bilang coach
MANILA, Philippines — Hinirang si Barangay Ginebra assistant coach Olsen Racela bilang bagong head coach ng University of Perpetual Help System DALTA men’s basketball team.
Ang pagtapik sa dating PBA guard ay simula ng preparasyon ng Altas para sa darating na NCAA Season 100 na nakatakda sa Setyembre.
Pinalitan ni Racela si mentor Myk Saguiguit sa bench ng Perpetual, ayon kay Altas team manager Anton Tamayo.
“The first step I will take is to meet the coaching staff like coach Myk Saguiguit, coach Joph Cleopas before we meet the players,” wika ni Racela.
Nagposte ang Altas ng 10-8 kartada sa nakaraang Season 99 at minalas na makapasok sa Final Four ng torneong pinagharian ng San Beda Red Lions.
Si Ginebra Gin Kings star guard Scottie Thompson, isang alumni player, ang nagkumbinsi kay Racela na gabayan ang Altas.
“It’s a new journey, what lies ahead for the next season for coach Olsen and coach Myk combination,” sabi ni Thompson. “More to go for Perpetual. They still have something to look forward to.”
- Latest