^

PM Sports

Big Lagoon PSA Horse of the Year

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang para­ngalan ang Big Lagoon sa magaganap na San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association Awards Night sa Enero 29 sa grand ballroom ng Diamond Hotel.

Nahirang na PSA Horse-of-the-Year ang Big Lagoon matapos ang matagumpay na kam­panya nito sa 2023 kasama ang pagsikwat ng back-to-back Presidential Gold Cup champion noong Dis­yembre 17.

Nakitaan ng husay ang Big Lagoon sa nasabing prestihiyong karera sa industriya ng karera, kung saan ay tinalo niya ang mga tigasin at champion horses na kalahok kabilang ang mahigpit na karibal na Boss Emong.

Ang Boss Emong ang reigning PSA - HoY.

Pag-aari ni Melaine Habla, kasama ni Big Lagoon sa major awardees ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa mga international competition tulad ng Southeast Asian Games.

Pang-lima ang Big Lagoon sa naka-dalawang sunod na kampeon sa PGC, kaya naukit ang kanyang pangalan sa history ng Philippine Racing, nakahilera na ito sa Fair And Square (1981-1982), Sun Dancer (1989-1990), Bulldozer (1996-1997) at Wind Blown (2000-2001).

Kabilang sa major awardees sina Asian Games gold medalists Meggie Ochoa at Annie Ramirez at Asian champ Carlos Yulo habang si EJ Obiena ang Athlete of the Year na tatanggap ng Major Award mula sa oldest media organization ng bansa na ginigiyahan ni The Philippine Star sports editor Nelson Beltran bilang president.

Ang traditional Awards Night ay hatid ng 24/7 sports app ArenaPlus, PSC, POC, PLDT/Smart, Milo at Cignal bilang major sponsors, at PBA, PVL, 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero at Rain or Shine. 

vuukle comment

BIG LAGOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with