Minowa tumaas ang posisyon sa Nxled at Akari
MANILA, Philippines — Mula sa pagiging head coach ay tumaas ang posisyon ni Japanese coach Taka Minowa.
Hinirang kasi si Minowa bilang Director of Volleyball Operations ng sister teams na Nxled Chameleons at Akari Chargers para sa 2024 season ng Premier Volleyball League (PVL).
Ang Japanese mentor ang mamumuno sa volleyball programs ng sister teams, ngunit patuloy pa rin siyang magiging coach ng Nxled.
Wala pang nakukuhang kapalit ang Akari matapos ang pagbibitiw ni Brazilian coach Jorge De Brito.
Inaasahan ding ihahayag ang mga bagong assistant coaches ng Chameleons at Chargers sa susunod na taon.
Kapwa bigong makapasok sa playoffs ang Akari at Nxled sa nakaraang PVL Second All-Filipino Conference.
- Latest