^

PM Sports

Harden, George binuhat ang Clippers sa panalo

Pang-masa
Harden, George binuhat ang Clippers sa panalo
Ginawang asintahan ni Paul George ng LA Clippers si Gordon Hayward ng Charlotte Hornets.
STAR / File

LOS ANGELES — Inis­kor ni James Harden ang 20 sa kanyang 29 points sa first half para pa­­munuan ang Clippers sa 113-104 paggupo sa Charlotte Hornets at tapusin ang kanilang two-game lo­­sing skid.

Nagdagdag si Paul George ng 25 points at humakot si Ivica Zubac ng 18 points at 14 rebounds para sa unang panalo ng Los Angeles (18-12) sa huling tatlong laro na wala si Ka­whi Leonard (left hip contusion).

Nauna na silang nagta­la ng nine-game winning streak bago minalas.

Binanderahan ni Miles Bridges ang Charlotte (7-21) sa kanyang 21 points at 11 rebounds, habang may tig-18 markers sina Terry Rozier at P.J. Wa­shington.

Inilaglag ng Clippers ang Hornets sa pang-wa­long dikit na kamalasan.

Ilang beses nakadikit ang Charlotte mula sa isang double-digit deficit bago naghulog ang Los Angeles ng isang 19-2 bomba para iposte ang 103-93 bentahe sa huling 3:58 minuto ng fourth pe­riod.

Ang three-pointer ni George sa natitirang 1:26 mi­nuto ang nagbigay sa Clippers ng 111-100 abante laban sa Hornets.

Sa Portland, humataw si Anfernee Simons ng 29 points para akayin ang Trail Blazers (8-21) sa 130-113 paggulat sa Sacramento Kings (17-12).

Sa Oklahoma City, nag­pasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points, habang may 21 mar­kers si Jalen Williams para banderahan ang Thunder (19-9) sa 129-106 paglampaso sa Minnesota Timberwolves (22-7).

Sa San Antonio, ku­mo­­lekta si Lauri Markka­nen ng 31 points at 12 re­bounds sa 130-118 do­mi­nasyon ng Utah Jazz (13-18) sa Spurs (4-25).

PAUL GEORGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with