4 boxing belts target ni Tapales
MANILA, Philippines — Kung sakali ay si world super bantamweight king Marlon Tapales ang magiging kauna-unahang Pinoy na magmamay-ari ng apat na korona.
Ito ang nagsisilbing motibasyon ng tubong Tubod, Lanao del Norte sa kanilang unification championship fight ni Japanese title-holder Naoya Inoue sa Martes sa Tokyo, Japan.
Nasa Tokyo na si Tapales dala ang kanyang World Boxing Association WBA Super at International Boxing Federation (IBF) super bantamweight crowns.
“I’m in very good shape, and wish to win over Inoue clearly. I know Inoue is an excellent boxer with high IQ, but I’ll do everything possible to be victorious,” sabi ng Pinoy champion sa panayam ng Fightnews.com.
Inagaw ni Tapales ang mga WBA (Super) at IBF super bantamweight titles mula sa isang isang split decision win kontra kay Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan noong Abril.
Ipaparada ni Tapales ang 37-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 knockouts, samantalang dala ni Inoue ang 25-0-0 (22 KOs) card.
Dalawang buwan nag-training si Tapales sa Las Vegas, Nevada bago umuwi sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang ensayo at paghahanda kay Inoue.
Itataya ng 30-anyos na si Inoue ang kanyang mga suot na World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) belts laban kay Tapales.
“My goal was never just to move up in weight. It was always to create history,” sabi ni Inoue na gustong maging unang Japanese boxer na nagkampeon sa dalawang weight divisions.
- Latest