^

PM Sports

Brunson nagsunog ng 50 pts vs Suns

Pang-masa
Brunson nagsunog ng 50 pts vs Suns
Jalen Brunson of the New York Knicks.
Elsa / Getty Images / AFP

PHOENIX— Nagsalpak si guard Jalen Brunson ng career-high 50 points tampok ang siyam na three-point shots para igiya ang New York Knicks sa 139-122 pagpapalubog sa Suns.

Si Brunson ang unang Knicks player sa franchise history na umiskor ng 50 points na may siyam na triples.

May 23 markers si Julius Randle para sa New York (14-10).

Kumamada si Kevin Durant ng 29 points kasunod ang 28 markers ni Devin Booker sa panig ng Phoenix (13-12) habang nagkaroon si Bradley Beal ng ankle injury sa first quarter.

Kinuha ng Suns ang 10-point lead sa third quarter at hinawakan ang 99-97 abante papasok sa fourth bago humataw si Brunson ng 19 points tampok ang limang tres para sa panalo ng Knicks.

Sa Memphis, iniskor ni Dillon Brooks ang 24 sa kanyang 26 points sa se­cond half sa 103-96 pagdaig ng Houston Rockets (13-9) sa Grizzlies (6-18).

Sa San Antonio, nagbagsak si Devin Vassell ng career-high 36 points at kumolekta si Victor Wembanyama ng 13 points at 15 rebounds sa 129-115 pagbawi ng Spurs (4-20) sa Los Angeles Lakers (15-11).

Sa Toronto, nagsunog si Trae Young ng 38 points at 11 assists at may 20 mar­kers si Bogdan Bogdanovic sa 125-104 pagdagit ng Atlanta Hawks (10-14) sa Raptors (10-15).

SUNS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with