^

PM Sports

Choco humirit ng rubber match

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Niresbakan ng Choco Mucho ang Cignal HD sa Game Two, 25-23, 25-22, 25-22, para makatabla sa kanilang semifinals series sa 2023 Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pumalo si Sisi Rondina ng 23 points mula sa 20 attacks, 2 blocks at 1 ace para itabla ang Flying Titans sa 1-1 sa kanilang best-of-three semis showdown ng HD Spikers.

“Siyempre, sinabi ko nga kanina na hindi pa tapos ang laban kasi nga iyong game namin is best of three,” sabi ni Rondina. “Nagtrabaho lang kami, wala kaming ibang ginawa kundi mag-perform nang maganda.”

Nauna nang tinalo ng Cignal ang Choco Mucho sa Game One, 18-25, 23-25, 25-14, 25-19, 15-10, na tumapos sa 10-game winning streak ng huli.

Nakatakda ang ‘do-or-die’ Game Three sa Martes kung saan pag-aagawan ng dalawang koponan ang tiket para sa championship series ng torneo.

Nagdagdag si Kat Tolentino ng 15 markers habang may tig-8 points sina Isa Molde at Maddie Madayag para sa F­lying Titans na hangad ang u­nang finals appearance.

Pinamunuan ni Jovs Gonzaga ang HD Spikers sa kanyang 15 points.

Matapos kunin ng Choco Mucho ang 2-0 abante ay inagaw ng Cignal ang 18-17 abante sa third set mula sa hataw ni Gonzaga.

Nagtuwang sina Rondina at Tolentino sa pinakawalang 7-1 atake para iposte ng Flying Titans ang match point, 24-19, bago nakalapit ang HD Spikers sa 22-24.

Ang service error ni Gonzaga sa posesyon ng Cignal ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Choco Mucho.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with