^

PM Sports

NCAA title abot-kamay na ng Mapua

Russell Cadayona - Pang-masa
NCAA title abot-kamay na ng Mapua
Matinding depensa ang ibinigay ng Cardinals kay James Payosing ng Red Lions.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Itinakas ng Mapua Uni­ver­sity ang 68-63 panalo kontra sa San Beda Universi­ty sa Game One ng NCAA Season 99 men’s basketball championships kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nagposte si Clint Escamis ng 18 points, 6 rebounds, 3 steals at 2 assists para sa 1-0 lead ng Cardinals at makalapit sa pagkopo sa una nilang ko­­rona matapos ang 32 taon.

Umiskor si Paolo Hernandez ng 16 markers, habang may 15 points si Ryle Rosilo.

Malas ang Red Lions sa kanilang three-point shooting matapos magtala ng malamyang 5-of-32 shooting.

“Ilang araw din kami nag-practice takbuhan at close out sa three points nila, buti ma­ganda naging resulta sa game,” sabi ni Warren Bonifacio na naglista ng 6 points at 2 boards para sa Mapua na hindi pinaiskor si San Beda star guard Jacob Cortez sa first half.

Bagama’t pinulikat sa third period ay nagawa pa rin ni Escamis na tapusin ang laro at isalpak ang mahalagang dalawang free throws para selyuhan ang panalo ng Cardinals.

“End or gitna ng third quarter, nag-suffer ako ng cramps, minanage ko time ko, sa fourth quarter doon ko binuhos,” ani Escamis.

Tumipa si James Payo­sing ng 14 points 12 rebounds sa panig ng Red Lions, habang may tig-12 markers sina Cortez at Jomel Puno.

Nakatakda ang Game Two sa Pasay City venue.

Ayon kay Bonifacio, ma­laking bagay ang 1-0 lead sa isang championship series.

“We’re glad nakuha namin ang first game in the se­ries, pero hindi naman doon natatapos, job’s not done yet,” ani Bonifacio.

“Alam naman naming babawi ang San Beda sa Game Two, kailangang maging rea­dy lang kami,” dagdag ng ve­teran big man.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with