NLEX turnaround
May maagang nagpayanig sa PBA Season 48 Commissioner’s Cup ang NLEX hatid ang kanilang 117-113 overtime thriller kontra sa higanteng San Miguel Beer.
Naibaon na sa balong malalim pero nakaahon, nabura ang kanilang 19-point deficit at nagawang silatin si June Mar Fajardo at mga kakampi sa extra time.
Malaking turnaround ang nabunot ni coach Frankie Lim at ng kanyang koponan mula sa masakit na pagkahulagpos ng won ball game kontra Phoenix Super LPG noong nakalipas na Biyernes.
Kasama sana sila ngayon ng Meralco (2-0), NorthPort (2-0) at Magnolia (2-0) sa itaas kung hindi nanamlay sa fourth quarter bago tuluyang padapain ng Fuel Masters, 113-101.
Naibawi ni Thomas Earl Robinson ang mga Road Warriors sa pakikipagtulungan kina Kris Rosales at Kevin Alas.
Touted import bilang No. 5 overall pick sa 2012 NBA Draft, nagpamalas si Robinson ng hulking performance sa pagtatala ng 42 points, 20 rebounds at 5 assists.
At sa pakikisahog sa luto nina Rosales (19 points kasama ang six triples) at Alas (18 points, five rebounds, two assists at two steals), silat ang mga Beermen sa kanilang unang laro sa Season 48.
Natapon ang 22 points at 16 rebounds ni reigning seven-time MVP winner Fajardo at napunta rin sa wala ang 28-point comeback game ni Terrence Romeo.
Sa kanyang unang laro bilang Beerman, naglaro si Jeron Teng ng 15 minutes pero hindi nakagawa ng ingay. Nanatili naman sa upuan sina SMB rookies Kyt Jimenez at John Troy Mallillin.
Ang NLEX ang gumawa ng ingay sa kanilang paninilat sa San Miguel.
- Latest