Eto na si Holt
Aarangkada na si PBA Season 48 top draft pick Stephen Holt at sasalang sa kanyang PBA debut kontra NorthPort ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Malaki ang inaasahan kay Holt bilang beteranong manlalaro na inikot na ang mundo sa paglalaro bilang import.
Bilang isa ring dating NBA Summer League player, talagang hindi regular na PBA rookie ang mangunguna sa kampanya ng Terrafirma Dyip.
Kasama niya na bubuhat sa Terrafirma Dyip si import Thomas De Thaey mula Belgium.
May taas na 6-7 5/8, isa si De Thaey sa mga imports na beterano ng FIBA play. Nagsuot si De Thaey ng Belgium national colors noong kanyang kapanahunan bilang U16, U18 at U20 player.
Pero malamang na mas babantayan ng mga PBA fans si Holt, Fil-Am player na maaaring magbago ng kapalaran ng Terrafirma franchise.
Ang iba pang top rookies na sasalang ngayong gabi ay sina Cade Flores ng NorthPort, Richie Rodger ng NLEX at Ken Tuffin at Matthew Daves ng Phoenix.
Unang umarangkada at nagpasiklab na ang deserving top draftees na sina Keith Datu ng Rain or Shine at Schonny Winston ng Converge.
Maganda ang kanilang mga numero. ‘Yun nga lamang, salengkwang ang kanilang mga koponan sa PBA debut nila.
May nine points, three rebounds at one assist si Winston sa kanilang 84-103 rout ng Blackwater, samantalang nagtala si Datu ng 16 points, five rebounds at two assists sa kanilang pagdapa kontra Meralco, 102-107.
At eto na nga ngayong gabi si Holt.
- Latest