PBA all-time assists ladder
Nag-isyu si TNT chief playmaker Jayson Castro ng seven assists sa kanilang 102-110 salengkwang kontra Magnolia sa PBA Season 48 opener noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Sa pag-set up kay Carl Bryan Cruz para sa three-point buzzer-beater sa pagtatapos ng first quarter, napasama na si Castro sa elite 3,000-assists club ng liga — No. 12 overall at nag-iisa sa active league roster.
At dahil kumikikig pa sa edad na 37, mukhang kakayanin ni Castro na ma-breach ang Top 10 all-time leading assist ladder na pinamumunuan ni Robert Jaworski (5,825) kasunod sina Ramon Fernandez (5,220), Dindo Pumaren (4,043) at Johnny Abarrientos (3,757).
Nasa No. 5 si Alex Cabagnot, pero mukhang hindi na uusad pa dahil nasa ere pa ang desisyon kung lalaro pa o isasabit na ang playing jersey.
Wala siya sa active roster ng Terrafirma para sa pagsisimula ng Season 48.
Nasa pagitan nina Cabagnot at Castro sina Jimmy Alapag, Willie Generalao, LA Tenorio, Ronnie Magsanoc, Philip Cezar at Olsen Racela.
Noong nakalipas na season, nilundagan ni Castro sina Bernie Fabiosa at Francis Arnaiz.
Kung masu-sustain pa niya ang kanyang pace kahit kalaban na ang edad, maaari ring lagpasan ni Castro sina Racela at Cezar.
Kasama sa mga pumuposisyon sa Top 15 playmakers of all-time si Chris Ross.
Pero gaya ni Castro, kalaban rin ni Ross ang edad. Siya ay mas may-edad pa kay Castro sa gulang na 38.
- Latest