Silip sa NBA
Nasilip na ang laro ni Victor Wembanyama, nakilatis na ang kombinasyon nina Damian Lillard at Giannis Antetokounmpo ganoon din ang bagong grupo ni LeBron James sa LA at ni Stephen Curry sa Golden State.
Mainit ang panimula ng title-holder Denver Nuggets, ganoon din ang Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans sa West at Boston, Indiana at Orlando sa East.
Pero sisinghap-singhap ang simula nina kabayan Jordan Clarkson at ng kanyang Utah Jazz teammates.
Kung hindi magagalaw ang kanilang team roster, mukhang kagaya ng nakaraang season, hindi makakarating sa playoffs si Pareng JC.
Masikip ang labanan sa West, at sa kanilang current lineup, mukhang mahirap abutin kahit na ang “play-in”
Kahit na sina LeBron at Lakers eh, mukhang hindi kayang mag-Top 3 sa conference, kalaban ang Nuggets ni Nikola Jokic, ang Mavericks nina Luka Doncic at Kyrie Irving, ang Pelicans ni Zion Williamson at ang Phoenix Suns nina Kevin Durant at Devin Booker.
Tingin ko eh, middle of the pack teams ang magiging tapos ng Lakers at Warriors sa Western Conference playoffs.
Mukhang agawan sa itaas ang Boston, Milwaukee at Philadelphia sa East.
Balik ang NBA, at siyempre balik ang saya ng mga NBA fans.
- Latest