Iguodala inihayag ang NBA retirement
MANILA, Philippines — Isinabit na ni veteran Andre Iguodala ang kanyang basketball jersey matapos ang 19 taong NBA career na tinampukan ng apat na kampeonato.
Ang 39-anyos na si Iguodala ang pinakamatandang active player sa NBA bago inihayag ang retirement.
Siya ang No. 9 overall pick ng Philadelphia 76ers noong 2004 NBA Rookie Draft at naglaro ng walong taon sa Sixers bago ma-trade sa Denver Nuggets noong 2012.
Matapos ito ay naglaro siya para sa Golden State Warriors noong 2013 hanggang 2019 bago maglaro sa Miami Heat at sa Warriors uli bilang huli niyang koponan.
Sa Golden State ay nanalo siya ng apat na NBA championships kung saan siya hinirang na Finals MVP noong 2015
“It’s just the right time. Time started to get limited for me and I didn’t want to put anything in the back seat,” ani Iguodala. “You want to play at a high level. But then family is a lot. My son is 16 and then two girls. So, I’m looking forward to seeing them grow up in those important years.”
- Latest