Positive, negative
MANILA, Philippines — ‘Yung sobrang saya ko na nanalo ang Gilas Pilipinas ng gold medal sa nakaraang Asian Games, laglag naman ang balikat ko sa balitang nagpositive si Justine Brownlee sa Anti-Doping test.
Sabi nila, hindi naman babawiin sa Pinas ang gold kasi si Brownlee lang naman ang nag-positive base sa rule book, pero ‘wag pakasiguro kasi puwede rin namang gamitin ng host China ang rulebook para bawiin sa Gilas ang gold.
Abangers na lang tayo sa announcement ng Hangzhou Organizing Committee. I’m sure hindi naman basta-basta papayag ang Gilas, SBP o POC na mawala ng ganun-ganun na lang ang gold.
Habang nangyayari lahat ‘yan sa Pinas, pinag-uusapan naman dito sa Texas ang All-Texas Playoff series sa Major Baseball League (MBL) na ngayon lamang mangyayari after 50 years.
Maghaharap ang Houston Astros at Texas Rangers sa American League Championship Series sa Linggo (Texas time) at ang mananalo dito ang haharap sa winner ng kabilang bracket na National League Championship series sa pagitan ng Philadelphia Phillies at Arizona Diamondbacks sa World series (pinaka-finals ng MBL).
Yes, bigtime ang baseball dito sa US pero mas kinababaliwan nila ang football. Lahat nakatutok sa National Football League. Dallas Cowboys at Houston Texans ang team ng Texas pero dito sa Mission, Hidalgo County solid Cowboys ang mga tao dito. ‘Pag may laro ang Cowboys, walang traffic, lahat nakatutok sa game, ang huntahan, laging football. Ang isang game ay tumatagal ng tatlong oras at laging jampacked ang mga naglalakihang venues. Nakakaloka.
Since malapit nang magbukas ang kinababaliwan sa Pinas na NBA na ongoing na ang preseason, baka makarinig naman ako ng kuwentuhang basketball.
- Latest