Salamat Gilas, congrats Pilipinas
Mahigit 16 oras, 8,289 miles o 13,340 kilometro ang layo ko sa Pilipinas pero nang makita ko ang Instagram post ni Abac Cordero sa pagkapanalo ng Gilas Pilipinas laban sa Jordan para sa Asian Games gold, para akong bumalik sa Pinas.
Naramdaman ko ang init ng aking dugong Pinoy. Laking tuwa ko at sobra ang sigaw, talon at palakpak.
Baka sa buong Mission, Texas, ako lang ang nagse-celebrate (since wala pa naman akong nakikilalang Pinoy dahil 2-weeks pa lang ako dito), pero ramdam ko ang tuwa at saya ng buong Pinas at mga Pinoy sa iba”t ibang dako sa buong mundo sa karangalang bigay ng Gilas.
Walang nag-expect na mananalo ang Gilas ng gold…. Pero nagawa nila.
Inabangan ko lahat ng balita tungkol sa panalo ng Gilas sa internet, gusto kong malaman ang lahat ng pangyayari.
Iba ang feeling, how I wish nasa Pinas ako para makipag-celebrate sa panalong ito. How I wish, na sportswriter pa rin ako para naka-cover ako mismo sa Hangzhou Asian Games para nakita ko mismo ang panalo ng Pinas.
Binigyan ako ng Gilas ng dahilan para ma-miss ko ang Pinas pero salamat Gilas Pilipinas sa ‘di malilimutang panalong ito.
Salamat din sa iba pang gold medalists ng Philippine team na sina pole vaulter EJ Obiena, Meggie Ochoa at Annie Ramirez ng jiu-jitsu.
- Latest