^

PM Sports

Petecio reresbak sa Olympic qualifying

Chris Co - Pang-masa
Petecio reresbak sa Olympic qualifying
Silver medalist Philippines' Nesthy Petecio poses on the podium with her medal after the women's feather (54-57kg) boxing final bout during the Tokyo 2020 Olympic Games at the Kokugikan Arena in Tokyo on August 3, 2021.
Luis Robayo / Pool / AFP

MANILA, Philippines — Babawi si Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio sa Olympic qualifying tournament matapos matanggal sa kontensiyon sa 19th Asian Games.

Ilalabas ni Petecio ang buong lakas nito sa qualifiers para makahirit ng tiket sa Paris Olympics na idaraos sa susunod na taon.

Hindi pinalad si Petecio na makasungkit ng puwesto sa Paris Games nang yumuko ito kay Chinese-Taipei bet Lin Yu Ting sa first round ng Asian Games women’s 54-57 kg women’s boxing sa Hangzhou Olympic Sports Center Gymnasium.

Matikas na resbak ito para sa Taiwanese fighter na tinalo ni Petecio sa Tok­yo Olympics.

Nais na ni Petecio na kalimutan ang Asian Games upang pagtuunan ng pansin ang World Qualifying Tournaments sa susunod na taon.

Una na ang qualifying event sa Busto Arzizio sa Italy mula Pebrero 29  hanggang Marso 12 at sa Bangkok, Thailand sa Mayo 23 hanggang Hunyo 3.

Suportado ni Association of Boxing Alliances in the Philippines chairman Ricky Vargas si Petecio na nangakong ibubuhos ang mga kakailanganin nito.

ASIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with