^

PM Sports

Didal hindi pinalad

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pinalad si 2018 Asian Games champion Margielyn Didal na maisakatuparan ang inaasam na back-to-back gold medals sa women’s street skateboarding sa 19th Asian Games na ginaganap sa Hangzhou, China.

Laglag sa huling puwesto si Didal matapos makalikom ng 23.39 puntos sa kanyang first run.

Hindi rin nito nakumpleto ang kanyang huling tatlong runs para tuluyang humulagpos sa kanyang kamay ang medalya.

Nagpost si Didal ng mensahe sa kanyang social media account upang ilabas ang kanyang saloobin.

“Sorry Cebu,” ani Didal.

Nasungkit ng 13-anyos na si Cui Chenxi ng host China ang gintong medalya matapos makapagrehistro ng 242.62 points.

Nakumpleto ni Zeng Wenhui ang 1-2 punch ng host country nang angkinin nito ang pilak sa bendisyon ng nakuha nitong 236.61 points.

Pumuwesto ng ka-3 at ika-4 ang Japanese na  sina Miyu Ito na nagtala ng 221.59 at Yumeka Oda na may 210.73, ikalima si Vareeraya Sukasem ng Thailand (154.89), ika­anim si Nathitiyabhorn Nawaktiwong ng Thailand (148.91) at ikapito si Ha Siye ng South Korea (94.83).

vuukle comment

MARGIELYN DIDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with