^

PM Sports

Benilde dumikit sa V-League crown

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humataw si Jade Gentapa ng 13 points at tumipa si Gayle Pascual ng 12 makers at 10 digs para akayin ang College of Saint Benilde sa 25-18, 25-18, 25-16 pagdaig sa Far Eastern University sa Game One ng women’s division ng 2023 V-League Collegiate Challenge Finals kahapon sa Paco Arena sa Manila.

Kailangan na lamang ng Lady Blazers na manalo ulit sa Lady Tamaraws sa Game Two bukas para tuluyan nang angkinin ang korona.

“Kami ay patuloy na magpapalakas ng aming depensa at blocking,” ani St. Benilde assistant coach Jay Chua. “Sa ngayon, ito ay nagbunga sa Game One, at sana ay magpatuloy ito hanggang sa Game Two.”

Pinamunuan ni Faida Bakanke ang FEU sa kanyang walong puntos.

Samantala, inangkin ng University of the East Lady Warriors ang bronze medal matapos talunin ang University of Perpe­tual Help System DALTA Lady Altas,  28-26, 25-23, 25-23.

Sa men’s division, giniba ng FEU Tamaraws ang Ateneo Blue Eagles, 25-23, 21-25, 28-26, 25-21, para sa bronze medal.

 

COLLEGE OF SAINT BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with