^

PM Sports

Didal humirit ng tiket sa Finals

Chris Co - Pang-masa
Didal humirit ng tiket sa Finals
Swak si Pinay skateboarder Margielyn Didal sa women’s street finals ng 19th Asian Games.
File

MANILA, Philippines — Buhay pa ang pag-asa ni Margielyn Didal na madepensahan ang kanyang korona matapos umabante sa final round ng women’s street event kahapon sa 19th Asian Games skateboarding competition na ginaganap sa QT Roller Sports Centre sa Hangzhou, China.

Inilatag ni Didal ang kanyang husay matapos ilabas ang impresibong performance upang makasiguro ng tiket sa eight-player final round.

Nakatakda ang finals ngayong alas-10 ng umaga.

Makakasagupa ng 24-anyos Cebu pride sina Ha Siye ng South Korea, Nathtiyabhorn Nawakitwong at Vareeraya Suka­sem ng Thailand, Miyu Ito at Yumeka Oda ng Japan at sina Cui Chenxi at Zeng Wenhui ng host China.

Nakasiguro ng silya sa finals si Didal matapos pumang-anim sa quali­fying round.

Nagtala ito ng 37.86 puntos sa kanyang first run habang umiskor ito ng 41.53 puntos sa second run.

Dinomina ng host bets na sina Zeng at Cui ang eliminasyon matapos okupahan ang unang dalawang puwesto.

Naglista si Zeng ng 33.00 sa first run at 69.15 sa second run habang may naisumiteng 65.82 sa first run at 66.36 sa second run si Cui.

Nagtala naman si Oda ng 52.89 at 64.26 samantalang may 44.20 at 53.96 si Ito para sa ikatlo at ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Pumanglima si Suka­sem na may 18.96 at 46.39 habang ikapito si Nawakitwong na may 39.34 at 21.96 at ikawalo si Ha na may 7.86 at 12.12.

Nalaglag si Lui Yi Ting ng Hong Kong na may 2.76 at 6.36.

MARGIELYN DIDAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with