^

PM Sports

Holt No. 1 pick ng Terrafirma

Russell Cadayona - Pang-masa
Holt No. 1 pick ng Terrafirma
Hinugot ng Terrafirma si Stephen Holt bilang No. 1 overall pick sa Season 48 Rookie Draft kahapon.

Sa Season 48 rookie Draft

MANILA, Philippines — Pinili ng Terrafirma si Stephen Holt bilang No. 1 overall pick sa Season 48 PBA Rookie Draft sa hanay ng record na 124 aplikante kahapon sa Ayala Malls Market! Market! sa Taguig City.

Pinahalagahan ng Dyip ni coach Johnedel Cardel ang pagiging beterano ng 31-anyos na si Holt sa mga liga sa buong mundo.

“It’s definitely one of my goals in my career to play in the PBA. You know I started out my career trying to pursue my NBA dream,” ani Holt na kasalukuyang nasa US dahil sa panganganak ng kanyang asawa.

Hinirang ng Blackwater ni coach Jeff Cariaso bilang No. 2 selection si Fil-Am Christian David mula sa Butler University.

Ang iba pang nakuha sa first round ay sina 6’7 Luis Villegas (No. 3) at 6’8 Keith Datu Jr. (No. 4) ng Rain or Shine, Zavier Lucero (No. 5) ng NorthPort, Ken Tuffin (No. 6) ng Phoenix, Richie Rodger (No. 7) ng NLEX, 6’8 Brandon Bates (No. 8) ng Meralco, Schonny Wins­ton (No. 9) at BJ Andrade (No. 10) ng Converge, Cade Flores (No. 11) ng NorthPort at Taylor Miller (No. 12) ng Terrafirma.

Nahugot sa second round sina Bryan Santos (No. 14) ng Converge, 6’6 Henry Galinato (No. 15) ng Rain or Shine, Raffy Verano (No. 16) at Ricci Rivero (No. 17) ng Phoenix, Enoch Valdez (No. 18) ng NLEX, John Louisse Delos Santos (No. 19) ng Converge, James Kwekuteye (No. 20) ng Blackwater, JM Nermal (No. 21) ng NLEX, Louie Sangalang (No. 22) ng Terrafirma, Ralph Cu (No. 23) ng Ginebra at Adrian Nocum (No. 24) ng Rain or Shine.

Iniurong ng PBA ang pagbubukas ng 2023 Commissioner’s Cup sa Nob­yembre 5.

STEPHEN HOLT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with