Palaisipan sa draft day
Kung credentials lang ang pagbabasehan, super angat si Stephen Holt para sa mga pagpipiliang top pick para sa parating na PBA Season 48 Rookie Draft.
Apat na taon siyang naglaro sa Saint Mary’s sa US college ball, at nag-average ng 15.2 points, 3.8 rebounds at 3.9 assists sa mabagsik na final year noong 2013-14 season. Pagkatapos eh lumaro at nagtala rin ng magandang numero para sa Atlanta Hawks sa NBA Summer League.
Nang hindi makaabot sa NBA proper, humabi siya ng career overseas, dinala ang kanyang paglalaro sa Germany, Australia, Andorra, Czech Republic, Poland, Slovenia at Romania.
At sabi ng mga familiar sa kanyang laro: “He’s a stud.”
Pero may pagdududa ang marami. Bakit bigla siyang sasali sa PBA Draft sa edad 31?
At nakadagdag pa sa duda eh ang hindi niya pagsipot sa PBA Draft Combine kung saan nakapagpakita siya dapat ng kanyang mga galaw.
“Kung i-pick mo yan, at lumabas na may injury pala, todas ang draft rights mo,” sabi ng isang PBA coach.
“31 years old yan at dapat nasa peak ng kagalingan. Bakit biglang pipiliin lumaro sa Pilipinas galing sa liga sa abroad? Bakit hindi siya na-extend sa liga niya?” sambit ng isa pang coach. “Dapat mabusisi mo yan, bago mo sugalang i-pick.”
Ang unang dadaan sa mabigat na palaisipan eh ang Terrafirma, ang may-ari ng No. 1 pick.
Susunod ang Blackwater.
- Latest