Memory sports sa Pinas makikilala sa pagdaraos ng 2024 World Memory Championship
MANILA, Philippines — Naniniwala si Roberto Racasa na mas makikilala ang memory sports sa sa Pilipinas sa pagdaraos ng 2024 World Memory Championship.
Ipinagkaloob ng World Memory Sports Council (WMSC) ang hosting ng event sa bansa matapos mawala ng tatlong taon dahil sa pandemya.
“Malaking tulong po itong hosting natin para mas mapakilala ang memory sports at ma-appreciate ng ating mga kababayan ang mabuting maidudulot nito hindi lamang sa mga bata bagkus sa lahat na nagnanais na mapaunlad ang memorya na magagamit hindi lamang sa career kundi pati sa pang-araw-araw na pamumuhay,” ani Racasa, ang tinaguriang ‘Father of Philippine Memory Games’, sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ noong Huwebes sa PSC Conference Room.
Si Racasa ang kauna-unahan Pinoy na nakalahok sa naturang torneo noong 1998.
Nagpahayag ng suporta si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. para sa torneo.
“Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na kami kay Secretray Abalos na ever since eh, siyang tumutulong sa Philippine memory sports team,” wika ni Racasa.
“May mga kausap na rin kaming pribadong grupo para maisagawa natin ang bibihirang pagkakataon na ito,” dagdag ni Racasa sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Kumpiyansa naman si Women International Master WIM) Antonelle Racasa sa kakayahan ng mga Pinoy.
“Malaki ang tsansa ng mga Pinoy sa memory sports,” ani Racasa.
Ang memory sports ay binubuo ng 10 events.
- Latest