^

PM Sports

Marvelous hinugot si Santiago

Chris Co - Pang-masa
Marvelous hinugot si Santiago
Santiago

MANILA, Philippines — Aarangkada si middle blocker Jaja Santiago kasama ang JT Marvelous para sa 2023-24 season ng Japan V.League.

Pormal nang inihayag ng Marvelous ang pagpirma sa kontrata ni Santiago.

Ito ang bagong team na sasamahan ng 6-foot-5 Pinay middle blocker matapos lumaro sa Saitama Ageo Medics sa loob ng apat na seasons.

Malakas ang Marvelous na isang three-time Japan V.League champion.

Huli itong nagkampeon noong 2019-20 season.

“It’s already out. New home, new family, new journey,” ayon sa post ni Santiago.

Alam ni Santiago na panibagong hamon ito sa kanyang volleyball career ngunit handa itong harapin ang lahat kasama ang kanyang bagong team.

“It’s going to be a challenging year but I’m excited. I’ll do my best for my new team and new teammates,” dagdag ni Jaja.

Magarbo ang kampanya ni Santiago sa Ageo Medics.

Nakatanso ito sa Ageo Medics noong 2019-2020 season habang bahagi si Santiago na nagkampeon sa V.Cup Women’s noong 2020-21.

Makakasama ni Santiago sa Marve-lous si middle blocker Erina Ogawa.

Papalitan nina Santiago at Ogawa sa Marvelous ang dating imports na sina American Karsta Lowe at Thai Thatdao Nuekjang. 

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with