^

PM Sports

Edu sasalang sa Toyama Grouses sa B.League

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Biyaheng Japan na ang Gilas Pilipinas big man na si AJ Edu upang maglaro para sa Toyama Grouses sa B. League.

Sa pahayag ng kopo­nan kahapon ay pu­mirma na ng kontrata si Edu para sa 2023-2024 Season bilang Filipino import nila sa ilalim ng Asian Player Quota program.

Ito ang professional league debut ng Filipino-Nigerian standout matapos ang kampanya para sa Toledo Rockets sa US NCAA tampok ang sunud-sunod na injuries.

Todo na uli ang pu­wersa ng 6-foot-10 center at handa nang makipagsabayan sa Japan kung saan din naglalaro ang iba pang Filipino imports tulad ni Kai Sotto ng Hiroshima Dragonflies.

Unang nagtambal sina Edu at Sotto sa Gilas Pilipinas youth noong 2019 FIBA U19 World Cup sa Greece kung saan nadale ng ACL injury si Edu.

Ngayon ay magkakasama ulit ang twin to­wers na pareho ring pambato ng Gilas sa 21-man training pool para sa 2023 FIBA World Cup.

Inaasahan ang ma­laking tulong ni Edu sa Toyama na nagkasya lang sa ika-22 puwesto nitong nakaraang season sa masagwang 15-45 kartada.

Dating team ni Dwight Ramos, miyembro din ng Gilas pool para sa World Cup, ang Toyama bago siya lumipat sa Levanga Hokkaido.

Ilan pa sa mga Pinoy imports na naglalaro sa Japan ay sina Kiefer at Thirdy Ravena, Ray Parks at Jordan Heading na bahagi din ng Gilas pool.

AJ EDU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with