SLP- Philippine Team sumisid ng 10 medalya sa Hong Kong meet
MANILA, Philippines — Lumangoy ang Swimming League Philippines (SLP)-Philippine Team ng 10 medalya kasama ang apat na ginto sa Hong Kong Stingrays Summer Sizzler Invitational Swimming championship sa HongKong Olympic Swimming pool.
Ang tatlong ginto ay nagmula sa 12-anyos na si Richard Nielson Navo ng Cavite SeaBeast Swimming Team.
Nagdomina si Navo sa boy’s 15-under class 50m backstroke sa bilis na 31.73 segundo gayundin sa 100m breaststroke (1:19.83) at sa 50m freestyle (27.75) para pamunuan ang koponan na binuo mula sa serye ng mga torneo ng SLP sa pagtataguyod ng Ang Lechon Manok ni Sr.Pedro, Mary Grace Café, Lorins Patis, Lorenzana Corporation, Blueresca Angels at MFV Architectural Design and Services
“Masayang-masaya kami dahil sa ipinakitang determinasyon ng ating mga batang swimmers,” ani team delegation head at coach Marlon Dula.
Nagdagdag si Raina Samantha Leyran, ang 2023 Palarong Pambansa qualifier, ng gold sa girl’s 13&over15-under 50m butterfly sa bilis na 30.04 segundo.
May tanso rin si Leyran sa 50m backstroke at sa 200m medley relay.
Nag-ambag si Kendra Beatrice Larrobis ng Cavite SeaBeast Swimmimg Team naman ng silver sa girl’s 14-over 50m butterfly.
Humirit ng bronze si Hannah Magale sa girl’s 14 yrs-old 50m breaststroke para idagdag sa kanyang silver sa 200m medley relay.
Dalawang bronze ang ambag ni Elijah Ebayan mula sa boy’s 14 yrs-old 50m butterfly at 50m backstroke at kumana si Marc Bryan Dula ng bronze sa boy’s 16 yrs-old 200m mixed medley relay, habang may bronze si Feriz Gabriel Espano sa 15 yrs-old 50m backstroke.
- Latest