Dunleavy bagong general manager ng Warriors
SAN FRANCISCO — Hinirang ng Warriors si dating NBA guard Mike Dunleavy Jr. bilang bagong general manager kapalit ni Bob Myers.
Nagsilbi ang 42-anyos na si Dunleavy bilang isang pro scout para sa Golden State noong 2018 matapos ang kanyang 15-year playing career kung saan siya naglaro para sa Warriors noong 2002 hanggang 2007.
Pinili siya ng Golden State bilang third overall draft pick noong 2002 mula sa Duke University.
“He has a wealth of basketball knowledge, stemming from his family upbringing, a 15-year NBA playing career and five seasons serving under Bob Myers in our front office. He’s young and energetic,” wika ni team owner Joe Lacob.
Bigo ang Warriors sa kanilang Western Conference semifinals series kay LeBron James at sa Los Angeles Lakers matapos ang championship run ng Golden State noong nakalipas na taon.
Tiyak na tututukan ni Dunleavy si Draymond Green na mayroong $27.6 million player option.
Pero sinabi naman ng veteran forward na gusto pa rin niyang maglaro para sa Golden State ksama sina Stephen Curry at Klay Thompson.
Samantala, pinatawan naman ng NBA si star guard Ja Morant ng Memphis Grizzlies ng isang 25-game suspension.
Ito ay matapos siyang magpakita ng baril sa isang social media video sa ikalawang sunod na pagkakataon.
“Ja Morant’s decision to once again wield a firearm on social media is alarming and disconcerting given his similar conduct in March for which he was already suspended eight games,” pahayag ni NBA Commissioner Adam Silver.
Dahil sa suspensyon ay hindi na makakasali si Morant sa anumang individual end-of-season honors sa 2024 NBA.
- Latest