^

PM Sports

Bejino, Asusano tuloy ang pananalasa sa APG

Chris Co - Pang-masa
Bejino, Asusano tuloy ang pananalasa sa APG
Kagat ni Gary Bejino ang kanyang ika-2 ginto sa Asean Para Games.
APG photo

MANILA, Philippines — Hindi maawat sina swimmer Gary Bejino at trackster Cendy Asusano na muling sumikwat ng gintong medalya sa 12th Asean Para Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Naibulsa ni Bejino ang gintong medalya sa men’s 200m freestyle S6 event sa bilis na dalawang minuto at 38.55 segundo sa Morodok Aquatic Center.

Pinataob ni Bejino sina silver medalist Channi Wongnonthaphum ng Thailand na may 2:53.10 at bronze winner Do Thanh Hai ng Vietnam na naglista ng 2:54.230.

Nauna nang humirit ng ginto si Bejino noong Linggo nang magtala ito ng bagong rekord na 5:38.26 sa 400m freestyle S6.

“It’s my first time to compete in the 200m freestyle event and I’m happy that I won the gold. I think that I have a good chance. I will do my best,” ani Bejino.

Sa kabilang banda, umariba si Asusano sa women’s F54 javelin throw matapos bumato ng 13.47m sa Morodok Techo Stadium.

Nasiguro ng Pilipinas ang 1-2 punch matapos angkinin ni Marites Burce ang pilak sa bendisyon ng 11.96m.

Pumangatlo si Tran Thi Tu ng Vietnam na may 11.87m.

Ito ang ikalawang ginto ni Asusano na nakasikwat din ng ginto sa women’s shot put F54 (5.77m).

Humakot din ng gintong medalya si Ariel Joseph Alegarbes sa men’s 50m butterfly S14 event sa bilis na 26.69 segundo.

Tinalo ni Alegarbes si Bryan Kai ng Malaysia na nagkasya sa pilak (27.06) habang pumangatlo si Muhammad Redzuan ng Malaysia (27.530).

Magandang resbak ito para kay Alegarbes na nakapilak sa men’s 100m breaststroke SB14.

GARY BEJINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with