Boston hihirit ng game 7 sa Miami
MANILA, Philippines — Ang dismayadong si Jimmy Butler sa bench ng Heat sa Game 5 ng kanilang Eastern Conference finals series ng Celtics. MIAMI -- Mula sa 0-3 pagkakalubog ay dalawang sunod na panalo ang kinamada ng Boston Celtics para makadikit sa Heat sa kanilang Eastern Conference finals series.
Ngayon sa Game Six ay maaaring tumabla ang Boston para hiritan ang Miami ng Game Seven.
“Obviously, we didn’t imagine being in this position, being down 3-0, but when adversity hits, you get to see like what a team is really made of,” ani Celtics forward Jaylen Brown.
“I mean, it couldn’t get no worse than being down 3-0, but we didn’t look around, we didn’t go in separate directions. We stayed together. We doubled down on what we’re good at on defense, and now I think it’s a series,” dagdag ni Brown.
Ang mananalo sa serye ang haharap sa Denver Nuggets sa NBA Finals na magsisimula sa Hunyo 1.
Wala pang koponan sa NBA history na nakabangon mula sa 0-3 deficit at naipanalo ang isang serye.
Kung makakatabla ang Boston sa Miami ay gagawin ang Game Seven sa kanilang balwarte sa TD Garden.
“Sometimes you have a bad week at work. We obviously didn’t pick the best time to have a bad week, but we did, and we’re sticking together and fighting like hell to keep it alive,” sabi ni Celtics coach Joe Mazzulla.
Sa kabila ng dalawang sunod na kabiguan ay kumpiyansa pa rin si Heat star Jimmy Butler na sila pa rin ang lalaban sa Nuggets sa NBA Finals.
“Like I always say, it’s going to be all smiles and we are going to keep it very, very, very consistent, knowing that we are going to win next game,” ani Butler.
Sa NBA history, sa 150 teams na nakabalik mula sa 0-3 butas at naitabla ang best-of-seven series ay 14 lamang ang nakatabla, ngunit hindi nila naipanalo ang serye.
- Latest