^

PM Sports

Karerista abangers sa Hopeful Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Abangers ang mga ka­rerista sa mga stakes races na pakakawalan sa susunod na buwan.

Una na rito ay ang bak­bakan ng 11 tigasing kabayo sa 2023 PHILRACOM “Hopeful Stakes Race” na aarangkada sa Hunyo 10 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas. 

Muling magkakampihan ang Boat Buying at Winner Parade para masilo ang inaasam na titulo sa nasabing malaking karera.

Rerendahan ni class A riders Kelvin Abobo at John Alvin Guce ang Boat Buying at Winner Parade, ayon sa pagkakasunod upang labanan ang siyam pang mahuhusay na kabayo sa distansyang 1,800 meter race.

Bukod sa Boat Bu­ying at Winner Parade, ang ibang nagsaad ng paglahok ay ang Badboy MJ, Borrowed Heaven, Chrome Bell, Domsat Seven, Easy Does It, Glamour Girle, Grand Monarch, Rough Cut at Sandigan.

Nakalaan ang P1.5M guaranteed prize na ipamumudmod sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Ayon sa komento ng mga karerista, posibleng magpakitang gilas din ang Glamour Girle at Chrome Bell kaya tiyak na makakakuha rin sila ng malaking suporta sa mga mananaya.

Hahamigin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa second pla­cer ang P300,000 habang P150,000 sa third.

Mag-uuwi naman ang fourth hanggang sixth ng tig-P75,000, P45,000 at P30,000, ayon sa pagkaka­hilera.

KARERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with