^

PM Sports

COPA susuportahan ang national BiFin swimming team

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang tsansa ng mga Pinoy na umangat sa BiFin swimming matapos ang impresibong kampanya ng national BiFin swimming team sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ang eight-man BiFin national squad na sinuportahan ng Espinelli Trading ay nakapasok sa finals sa kani-kanilang event tampok ang silver medal ni Palarong Pambansa champion Alexi Cabayaran sa women’s 200-meter breaststroke sa bilis na 1:56.49 sa likod ni gold medal winner Muyni Kaing (1:51.69) ng Cambodia.

“Ang pagpapataas ng kamalayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga regular na aktibidad at mahikayat ang lahat ng swimming club, grupo at organizer na isama ang BiFin sa kanilang mga programa at torneo isang malaking tulong para sa sports,” ani Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.

Idinagdag ng Philippine Sports Hall of Famer na karapat-dapat tulungan at suportahan ang BiFin swimming team para maisulong ang matatag na programa higit sa grassroots level.

“Maganda ang future natin sa BiFin and the recent campaign of our team in Cambodia proved that. Kahit maiksi lang ang na­ging preparation may contribution sila sa delegation,” sabi ng two-time Olympian at kasalukuyang presidente ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA).

 Sa ilalim ng Incentive Act Law, si Cabayaran ay makakatanggap ng P150,000 cash incentives mula sa pamahalaan.

COPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with