Team Ilustre 21 ginto angmpinalubog sa COPA Golden Goggle
MANILA, Philippines — Kumalawit agad ng 21 gintong medalya ang Team Ilustre East Aquatic sa pagsisimula ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA)- Golden Goggle 3rd at 4th leg, na ginanap sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa RMSC sa Malate, Manila, kahapon.
Nakakuha ng puwersa ang Team Ilustre East Aquatic sa nagliliyab na performances nina national junior record holder sa boys 13-under, Jamesray Mishael Ajido at Patricia Mae Santor.
Tig-tatlong gintong medalya ang nahablot nina Ajido at Santor sa kani-kanilang age-grouping para sa Team Ilustre East Aquatic.
Naikuwintas ni Ajido ang gintong medalya sa boys 14-yrs old 100-m freestyle sa naitalang 57.51 segundo upang ungusan ng halos tatlong segundo ang silver medalist na si Ashton Jose ng Leviathan Swim Club (1:00.23)
Muling inungusan ni Ajido si Jose sa 50-m butterfly sa naitalang oras na 26.51 segundo bago inakbayan ng Grade 7 student mula sa Montessori Integrated School-Antipolo ang kanyang koponan na kinabibilangan nina Maria Barreto, Ivoh Gantala at Santor sa panalo sa mixed 400m medley relay (4:54.38).
Si Ajido ang pinakabagong homegrown swimming phenom ng bansa, ito’y dahil sa dalawang ginto na inuwi sa ASEAN junior championship noong nakaraang buwan.
Nagwagi naman si Santor ng ginto sa girls 15-yrs 200-m breastroke na nagtala ng 2:57.80 laban kay Rhetz Andaya ng Golden Flippers (2:59.78) at teammate na si Alyssa Cabatian (3:08.03).
Inuwi rin ni Santor ang ginto sa 50-m butterfly (30:46) at 100-m freestyle (1:06.02).
- Latest