Open Billing rerebanse sa Tell Bell
MANILA, Philippines — Plano ng Open Billing na makarebanse sa Tell Bell pagharap ng dalawang kabayo sa “Road to Triple Crown Stakes Race” na aarangkada bukas sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Tulad ng Open Billing, nasa kukote rin ng connections ng Glamour Girle na makabawi sa Tell Bell na misan na silang tinalo noong Pebrero.
Kahit inungusan ng Tell Bell ang Open Billing at Glamour Girle ay inaasahang mapapalaban pa rin nang todo ang una ayon sa komento ng mga karerista sa social media.
May distansyang 1,600 meter race, maliban sa Tell Bell ay makakatagisan ng bilis ng Open Billing at Glamour Girle ang anim pang tigasing kabayo.
Nakalaan ang guaranteed prize na P1 milyon na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay ang Domsat Seven, Go Aydan Go, Going East at Player Andri.
Hahamigin ng mananalong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ang P600,000 at mapupunta ang P225,000, P125,000 at P50,000 sa second hanggang fourth placers, ayon sa pagkakasunod.
Ibubulsa rin ng breeder ng winning horse ang P50,000 at tig P30,000 at P20,000 ang second at third.
Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Tell Bell.
Nagwagi sa nakaraang buwan ang Tell Bell sa 2023 PHILRACOM “3-Year-Old Stakes Race” na inilarga sa parehong lugar.
- Latest