^

PM Sports

Bulls sinuwag ang Warriors

Pang-masa
Bulls sinuwag ang Warriors
Pinasok ni Bulls center Nikola Vucevic ang depensa ni Warriors guard Klay Thompson.

CHICAGO — Dinuplika ni center Nikola Vucevic ang kanyang career high na 43 points para banderahan ang Bulls sa 132-118 pagsuwag sa nagdedepensang Golden State Warriors.

Tinapos ng Chicago (20-24) ang kanilang 11-game losing slump laban sa Golden State (21-22).

Huling nanalo ang Bulls sa Warriors noong Marso 2, 2017.

Nagdagdag si Zach LaVine ng 27 points para pigilin ang three-game losing skid ng Chicago.

Umiskor si Klay Thompson ng 26 points kasunod ang 20 markers ni Stephen Curry para sa Golden State na nagkaroon ng 23 turnovers.

Kumamada ang Warriors ng 42 points sa se­cond period para agawin ang 62-59 halftime lead bago bumawi ang Bulls at inagaw ang 100-88 abante sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.

Sa Los Angeles, tumipa si Joel Embiid ng 35 points at 11 rebounds sa 113-112 paglusot ng Philadelphia 76ers (27-16) sa Lakers (19-24) at sinapawan ang NBA record ni LeBron James.

Tumapos si James na may 35 points, 10 assists at 8 rebounds para sa La­kers at naging ikalawang player sa NBA history na umiskor ng 38,000 career points bukod kay NBA great Kareem Abdul-Jabbar.

Sa New York, kumamada sina Shai Gilgeous-Alexander at Josh Giddey ng tig-28 points sa 112-102 panalo ng Oklahoma City Thunder (21-23) sa Brooklyn Nets (27-15).

NIKOLA VUCEVIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with