^

PM Sports

Dragons ‘di papayag mabaon sa serye

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — May iniinda mang left sprain ankle ay kailangan pa rin ni import Andrew Nicholson na dalhin sa kanyang mga balikat ang guest team na Bay Area para makatabla sa Barangay Ginebra sa PBA Finals.

Pipigilan ng Dragons ang paglapit ng Gin Kings sa korona ngayong alas-5:45 ng hapon sa Game Four ng Commissioner’s Cup championship series sa MOA Arena sa Pasay City.

Inagaw ng Ginebra ang 2-1 lead sa kanilang best-of-seven title duel ng Bay Area matapos kunin ang 89-82 panalo sa Game Three noong Miyerkules.

Sa huling 34 segundo ng fourth quarter kung saan hawak ng Gin Kings ang 85-79 bentahe ay nagkaroon ng sprained left ankle ang 6-foot-10 na si Nicholson nang matapakan ang paa ni Jamie Malonzo sa kanilang rebound battle.

Samantala, pinagmul­ta ng PBA si injured import Myles Powell ng P100,000 habang P75,000 kay guard Hayden Blankey dahil sa mga maanghang na komento ng dalawa sa officiating sa Game Three.

Sa social media idinaan nina Powell at Blankey ang kanilang pagkondena sa nangyaring tawagan noong Miyerkules.

Tinukoy ni Powell ang 28 fouls na itinawag ng mga referees sa Bay Area kumpara sa 12 ng Ginebra, habang “cooked” o luto naman ang paglalarawan ni Blankey sa nasabing laro.

“Foul Count 28 to 12 is a JOKE LOL DO BETTER !!!!!!!!!!!!!!!” ang tweet ni Powell matapos ang laro. “We shot 10 free throws they shot 38.”

 

ANDREW NICHOLSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with