^

PM Sports

Dugong arriba

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kabahagi si Tonichi Pujante ng Letran team na humugot ng NCAA three-peat feat noong 1982-84.

Isa siya sa mga pangunahing support group sa pamosong Knights team na iyon na pinangungunahan nina Samboy Lim at Romy Ang.

Kaya naman siguradong may tinik sa kanyang dibdib ang pagbaba ng desisyon bilang NCAA Commissioner na suspension kay Fran Yu tungo sa kanilang winner-take-all match kontra sa St. Benilde Blazers.

Malamang na maraming Letranites din na nagngi­ngitngit ngayon kay Pujante.

Pero madaling intindihin na kailangan ni Pujante na gawin ang kanyang tungkulin.

Mananatili siyang dugong Arriba, pero bilang tunay na magaling na anak ng Letran, gagawin niya ang nararapat, tamaan na kung sinuman ang tamaan.

Medyo madali rin naman ang pagbaba ni Tonichi ng hatol dahil nakabase iyon sa league rules.

Kaya sa suspension na iyon natapos ang collegiate career ni Yu.

Puwede niyang hasain ang kanyang siko sa kanilang bahay habang magsasagupa for all the marbles ang Knights at Blazers sa Linggo.

Wagi ang Knights, 81-75, sa Game One pero nakabalik ang Blazers sa Game Two sa pagsungkit ng 76-71 decision.

TONICHI PUJANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with