Beverley pinatawan ng suspensyon
NEW YORK — Pinatawan ng NBA si veteran guard Patrick Beverley ng Los Angeles Lakers ng isang three-game suspension.
Ito ay dahil sa kanyang pagtulak kay Phoenix Suns center Deandre Ayton mula sa likuran.
Ang suspensyon ay nagkakahalaga ng $268,966 (halos P15.2 milyon) kay Beverley.
“The suspension was based in part on Beverley’s history of unsportsmanlike acts,” wika ng NBA sa isang statement.
Ito ang ikalawang pagkakataon na sinuspinde si Beverley dahil sa pagtulak sa isang player mula sa likuran.
Ginawa rin niya ito habang naglalaro para sa LA Clippers laban kay Suns’ guard Chris Paul.
- Latest