^

PM Sports

Radio Bell humataw sa Grand Derby

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumilib ang mga karerista sa Radio Bell nang ma­­nalo sa 2022 PHILRACOM-PCSO 3-Year-Old Lo­cally Bred Grand Derby na inilarga sa Metro Turf, Mal­var-Tanauan City, Batangas noong Linggo.

Nakapanood ng magandang laban ang mga racing afficionados sa bandang rektahan kung saan nagtagi­san ng bilis at puwersa ang Radio Bell, Gomezian, Ba­sheirrou at Don Julio.

Sa largahan ay humarurot sa unahan ang Basheirrou at nakalamang ng apat na kabayong agwat sa nag­­mamasid na Radio Bell at Gomezian.

Pagdating ng far turn ay dinikitan ng Gomezian ang Basheirrou pero nakasunod anak ng Sakima at Ra­diaoactive Bell na Radio Bell kaya naman sa huling kurbada ay nagkapanabayan na ang tatlo.

Bakbakan ang naganap sa rektahan nang kukuha ng unahan ang Radio Bell at maging ang Don Julio ay rumemate sa bandang labas kaya hiyawan ang mga ka­rerista sa loob ng karerahan.

Pero nanatili ang tikas ng Radio Bell at nakuha ang panalo sa event na suportado ng PHILRACOM sa ilalim ng pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Inilista ng Radio Bell ang tiyempong 1:51.8 mi­nu­­to sa 1,800 meter race sapat upang hamigin ang premyong P1.8 milyon ng winning horse owner na si Elmer De Leon ng Bell Racing Stable.

Pangalawang dumating ang Don Julio na nagbulsa ng P675,000, habang tig-P375,000 at P150,000 ang Gomezian at Basheirrou na dumating na tersero at pang-apat, ayon sa pagkakasunod.

DERBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with