^

PM Sports

Lintek ang Tamaraws

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mula sa kangkungan, lintek ang balik ng Far Eas­tern U Tamaraws.

Pagkatapos ng limang sunud-sunod na saleng­kwang, sumungkit ng unang panalo ang Tams sa pagpapadapa sa UST  Tigers, 75-60.

Sinundan nila ito ng dikit na panalo sa NU Bulldogs (47-44), pagbawi sa UE Warriors (75-68) at paggulantang sa La Salle Archers (57-53).

At pagkatapos ng hot streak na ito, kasama na sila sa mainit na Final Four race — tabla sa Warriors sa pareho nilang kartada (4-5) at lamang pa sa Archers na tabla sa Adamson Falcons sa 3-5.

Hindi puwedeng hindi mapansin ang trinabaho ni coach Olsen Racela na mapaniwala niya ang kanyang tropa na hindi pa tapos ang season para sa kanila.

Nakabangon, nakabalik at ngayon eh kumakatok na makasama ang mga title favorites sa Final Four party.

Hindi nakakagulat na bandera sa karera ang reigning champion UP Maroons (8-1).  Isang panalo na lang at sigurado na sila ng Final Four berth.

Ang nanggugulat eh, ang Bulldogs sa kanilang 6-3 slate, kasama rito ang paninilat sa Maroons at Eagles

Dahil dito,  kasaluku­yang mainit ang bakba­kan ng Bulldogs at Eagles para sa second spot.

Nagbabadya ang mainit na windup ng elims ng UAAP Season 85.

vuukle comment

TAMARAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with