^

PM Sports

Jazz pinaandaran ang Grizzlies

Pang-masa
Jazz pinaandaran ang Grizzlies
Dumepensa si Jazz forward Lauri Markkanen laban kay Ja Morant ng Grizzlies.

SALT LAKE CITY — Nagsumite si big man Lauri Markkanen ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Utah Jazz sa 121-105 pagpapabagsak sa Memphis Grizzlies.

Nag-ambag si Malik Beasley ng season-high na 18 points mula sa bench para sa 6-2 record ng Jazz  habang may tig-15 markers sina Mike Conley at Collin Sexton.

Kumonekta ang Utah ng 19 three-pointers para sa kanilang ikalawang sunod na pagdaig sa Memphis, may 4-3 baraha, sa nakaraang tatlong araw.

Umiskor si Ja Morant ng 37 points para banderahan ang Grizzlies.

Kinuha ng Memphis ang first period, 26-23, bago naagaw ng Utah ang 54-38 abante bago ang halftime mula sa four-point play ni Fil-Am Jordan Clarkson.

Sa Los Angeles, isinalpak ni Paul George ang isang go-ahead jumper sa huling anim na segundo at tumapos na may 35 points sa 95-93 pagtakas ng Clippers sa Houston Rockets.

Sa Milwaukee, nagposte si guard Jrue Holiday ng 25 points, 10 assists at 7 rebounds sa 110-108 pag-eskapo ng Bucks sa Detroit Pistons.

Sa Washington, tumipa si James Harden ng 23 points at 17 assists sa 118-111 panalo ng Philadelphia 76ers sa Wizards.

vuukle comment

UTAH JAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with