^

PM Sports

Fuel Masters diretso sa 4th win

Russell Cadayona - Pang-masa
Fuel Masters diretso sa 4th win
Tinangkang sundutan ni Rey Mambatac ng Rain or Shine si Phoenix import Kaleb Wesson.
PBA

MANILA, Philippines — Ayaw magpapigil ng mga Fuel Masters.

Nalampasan ng Phoenix ang pagbangon ng Rain or Shine mula sa 18-point deficit para kunin ang 92-83 panalo sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Humakot si import Kaleb Wesson ng 21 points, 17 rebounds, 5 blocks at 4 assists para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Fuel Masters at ilista ang 4-3 record.

Bigo ang Elasto Pain­ters na maitala ang back-to-back wins at nahulog sa 3-4 marka.

Nagdagdag si Encho Serrano ng 18 points, kasama ang isang acrobatic shot na nagbigay sa Phoenix ng 88-83 abante sa huling 1:34 minuto ng fourth period, at may 11 points si RJ Jazul.

“Iyong opportunity na ibinigay niya sa akin, sobrang blessed ako sa kanya,” sabi ni Serrano kay coach Topex Ro­binson. “Everyday, iyon nagtatrabaho lang kami kaya ito ang kinalabasan.”

Isinara ng tropa ni Robinson ang first half bitbit ang 48-42 abante na kanilang pinalobo sa 68-50 sa 4:15 minuto ng third quarter mula sa dalawang free throws ni Jazul.

Nagposte si import Steve Taylor Jr., ng 16 points, 19 boards at 3 assists para sa Elasto Pain­ters.

Sa ikalawang laro, sumilip ng tsansa ang San Miguel sa quarterfinals matapos patumbahin ang NorthPort, 104-86.

Nagsumite si import Devon Scott ng 25 points, 16 rebounds at 6 assists para sa 3-3 kartada ng Beermen.

Bumaba ang Batang Pier sa 3-4 kartada.

 

FUEL MASTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with