^

PM Sports

Adelaide ginulat ang Sydney

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor ng higanteng 92-88 upset win ang Ade­laide 36ers kontra sa reigning champion na Sydney Kings bagama’t limitadong aksyon uli ang nilaruan ni Kai Sotto sa 2022-2023 Australia National Basketball League (NBL).

Sa kabila ng homecourt disadvantage sa Qudos Bank Arena ay hindi nagpasindak ang 36ers sa pangu­nguna ng limang players na kumamada ng double digits.

Bida rito si Craig Randall na kumambyo ng 24 puntos, 6 rebounds at 5 assists habang may 17 markers at 8 rebounds din ang beteranong si Daniel Johnson.

Nag-ambag ng tig-15 sina Mitch McCarron at Antonius Cleveland at may 13 si Robert Franks para sa ikalawang sunod na panalo ng Adelaide kontra defending titlist na Sydney.

Tatlong minuto lang ang nasalangan ni Sotto at hindi man lang nakatira.

Ito na ang ikala­wang sunod na panalo ng 36ers matapos ang 90-80 tagumpay kontra sa Illawarra Hawks. Yumukod sila sa unang laban kontra sa runner-up na Tasmania JackJumpers, 97-72.

Nauwi sa wala ang 23 puntos ni Derrick Walton Jr. para sa Kings na sumadsad sa 4-2 kartada.

 

SYDNEY KINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with